in

Mga Pinoy at Bangladeshi, nagbugbugan

Roma – Marso 20, 2013 – Isang matinding away at bugbugan sa pagitan ng mga estrangherong Pinoy at Bangladeshi ang naganap hatinggabi noong nakakaraan linggo sa corso Vittorio Emanuele II, piazza della Chiesa Nuova, Roma.

Ayon sa mga report, sa pagdating ng mga militar ay nagtakbuhan at tumakas ang karamihan sa kanila ngunit arestado ang 3 Pinoy, edad mula 28 hanggang 53 at 1 Bangladeshi, 22 anyos na pawang mga pasimuno ng nasabing rambulan.

Bukod dito ay natagpuan ng mga militar ang mga ginamit sa away tulad ng sinturon at iba pa.

Sugatang isinugod sa Fatebenefratelli Hospital ang 53 anyos na Pinoy.

RH law, hi pa rin maipatutupad

National Year of Rice