in

Mga Pilipino mula sa Norcia, darating sa Roma!

Darating sa Roma ang ating mga kababayang apektado ng lindol. “Nangangailangan sila ng mga damit”, Welfare Officer Rome.

Roma, Oktubre 30, 2016 – Kumpirmadong no injury at no casualty sa 28 Pilipino na residente sa Norcia, ang epicenter ng malakas na pagyanig ng magnitude 6.5 kaninang umaga.

They, together with other disaster victims, are now on their way to Perugia. An evacuation center has been identified by Perugia Comune for disaster victims from Norcia”, ayon kay Consul General Bernie Candolada sa sagot nito sa email ng Ako ay Pilipino. 

Sa katunayan, sa pamamagitan ng Pullman ay inilikas ang mga residente at kasalukuyang nasa Perugia na. 

Bukod dito, sa pamamagitan ni OWWA Welfare Officer Hector Cruz, ang kinatawan ng Embahada na kasalukuyang kasama ng mga Pilipinong apektado ng lindol na dumating sa Norcia kaninang tanghali at sumunod sa ating mga kababayan hanggang sa Perugia ay kasamang babalik sa Roma ang ating mga kababayan sa ilalim ng pangangalaga ng ating pamahalaan. 

We negotiated with Perugia Comune for the release of 28 Filipino nationals to our representative there and transfer them to Rome. We are ready to welcome all 28 Filipino nationals from Norcia to Rome”, ayon pa kay ConGen sa email. 

The Philippine government government has approved all our requests for assistance”, dagdag pa ni ConGen. 

Sa loob ng dalawang oras ay magbibiyahe kami pabalik sa Roma at mananatili sila sa isang Casa per Ferie sa Morlupo”,  kumpirma ni Welfare Officer Hector Cruz. 

 “Isang  mahigpit na panawagan po sa ating mga kababayan sa Roma. Nangangailangan po ng mga damit ang ating mga kababayan”, panawagan ni Welfare Officer. 

Matatandaang Huwebes, matapos ang dalawang malakas na pagyanig Miyerkules ng gabi, ay nagpunta sa Norcia ang POLO OWWA Officers na sina Labor Attache Ponciano Ligutom at Welfare Officer Hector Cruz, kasama si DSWD Officer Precy Rason upang alamin ang kanilang sitwasyon. 

Para po sa mga nais tumulong, makipag ugnayan lamang po sa Embahada ng Pilipinas at kay Vhic Ramos sa 3209745502

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Interior Ministry sa mga Questure: “Hindi na babayaran ang buwis ng mga permit to stay”

Bonus cultura, matatanggap simula Nov 3