in

Maswerteng Pinoy, dalawang beses nanalo sa Gratta e vinci

Roma, Setyembre 2, 2012 – Isang Pilipino ang pinalad na manalo sa scratch card o Gratta e Vinci ng 10,000 euros, at isa pang bis ng 1,000 euros. Ang maswerteng Pinoy ay nangangarap na umuwi ng Pilipinas.

Ang jackpot na hinahangad ng marami ay nasungkit sa Viale Diaz 17, Busto Arsizio (Varese) kahapon ng umaga at isang Pinoy, piniling hindi ibigay ang pangalan, ang nagpakilala at nag-iwan ng bank account para sa premyo.

Laking gulat na lamang ng may-ari ng tobacconist, Massimo Landoni, ng muling nanalo ang Pinoy ng karagdagang 1,000 euros sa pagbili muli nito ng isa pang scratch card.

Ang nanalo,residente sa Busto ng sampung taon ay naghahangad umuwi sa Pilipinas at makapiling ang mga mahal sa buhay at ang matitira ay ihahanda para sa kinabukasan ng mga anak, pagtatapos pa ni Landoni.

 

 

Regolarizzazione: Dal 7 Settembre il versamento di 1000 euro

Regular colf, care givers at baby sitters tumaas ng 740,000