in

Mariel Coronacion Agnis, nawawala noong Huwebes pa!

Sa sinumang makakakita kay Mariel Agnis ay ipagbigay-alam agad kina Eric Brosas sa numero 3290922281 at si Shiela Gonzales sa numero 348 5149479

 

Roma, Hulyo 24, 2016- Mariel Coronacion Agnis, 41 anyos, tubong Laguna at kasalukuyang residente sa Marconi, Roma.

Siya ang Pilipinang nawawala mula nooong nakaraang Huwebes July 21 na lumabas ng bahay ng walang paalam. Suot ay white multiple pocket shorts, pink na sando at naka-step in. Palaging may dalang bimpo at lenzuola nitong mga huling araw na makakatulong upang si Mariel ay makilala. 

Iniwan umano ng bahay ni Eric Brosas, ang asawa, si Mariel bandang alas 4:15 ng hapon noong nakaraang Huwebes, para mag-trabaho. 

Pagkalipas ng higit sa isang oras, bandang 5:30 ay natagpuan si Mariel sa labas ng aming bahay at hindi makapasok. Sa tulong ng kasama namin sa bahay, naging panatag naman kami na ok na sya noong pumasok na ulit si Mariel ng kwarto”, kwento ni Eric. 

Ngunit laking gulat nito ng hindi natagpuan ang asawa sa kanilang bahay sa pag-uwi galing sa trabaho. Makalipas ang bigong paghahanap sa malalapit na kamag-anak at kaibigan ay nagtungo si Eric at nag-denuncia sa Questura ukol sa pagkawala ng asawa. Lumapit na rin si Eric sa kilalang TV transmission ‘Chi l’ha visto?’.

Maayos ang pisikal na kundisyon ni Mariel, ngunit halos dalawang linggo na ring si Mariel ay tila nawawala sa sariling pag-iisip at may mga nababanggit na hindi nila ikapaniwala at tila may kinatatakutan, bukod pa sa hindi pagkain at pagtulog nito, ayon kay Eric. Dahilan upang sya ay dalhin at patingnan sa duktor. 

Labag sa kalooban ni Mariel ang pagpunta sa espesialista. Sa katunayan ay hindi rin nito ininom ang gamot na ibinigay ng duktor. 

Minsan ng umalis ng walang paalam si Mariel, dagdag pa ni Eric. Ngunit payapa umano itong nakakauwi ng bahay. At ayon pa kay Eric, halos tatlong araw na ring tila regular na ang kanyang kundisyon hanggang bago ito umalis ng walang paalam. 

Hanggang kaninang umaga, ay labis na nadagdagan ang pag-aalala nina Eric, ni Shiela, ang pinsang-buo ni Mariel, at ni Victoria, ang tiyahin ni Mariel dahil may nakasabay at nakakilala kay Mariel kaninang umaga sakay ng bus 32 at may mga kasama pa. 

Nilayuan ni Mariel ang nakakilala sa kanya sa bus, kaya naman patuloy ang panawagan sa lahat ng ating mga kababayang makakakita sa kanya na ipag-bigay alam agad sakaling may makakakita muli kay Mariel. 

Bagaman walang kasiguraduhan, marahil ay wala sa sapat na kaisipan si Mariel upang matukoy kung saan ito uuwi at kung sino ang dapat tawagan kung kaya’t ang tulong ng bawat isa ay hinihingi at inaasahan. 

Maaaring tawagan si Eric Brosas sa numero 3290922281 at si Shiela Gonzales sa numero 348 5149479 o ang inyo pong lingkod sa numero 338 9642931. 

PGA

 

 

 

 

 

Buwis ng mga permit to stay? “Hindi na babayaran!” – Questura

Family allowance, para rin sa mga miyembro ng pamilya sa sariling bansa