in

Maria Camille Ann Cabaltera, sa semi-finals sa Italian talent show

Camille Ann Cabaltera, natatanging Pilipina sa talent show na “Ti lascio una canzone”, mapapanood sa Sabado, ganap na 9 pm.

Roma, Nov 22, 2012 – Ang 13-taong gulang na si Camille ng Monte Catini Terme, ay muling sasabak sa second set ng 18 Semi-finalist ng Italian talent show sa darating na Sabado, matapos makalusot sa 41 contestants na sinimulan noong nakaraang Setyembre.

Ang nasabing talent show ay sinimulan noong 2008 at sinusubaybayan taun-taon sa telebisyon ng milyung-milyong tahanan sa buong Italya. Ito ay nakalaan sa mga kabataang may edad mula 6 hanggang 16 na taong gulang. At sa unang-unang pagkakaton sa buong kasaysayan ng talent show, ay nagkaroon ng isang Filipina contestant. 

Sa edad na 4 nagsimulang umawit ang dalagitan ng mga awitin nina Lani Misalucha, Celine Dion, Mariah Carrey at Katty Perry.  Limang taon siya ng maging guest sa birthday party ni Lulu Fernando na inorganisa ni Mr. Butch Francisco owner at president ng Center for Pop Phils. 

“Hear Camille while still free because the next time, you have to pay to see her perform,”  ayon kay Mr. Butch Francisco.

Nakamit niya ang ikatlong pwesto sa “Battle of the Champion” noong 2010 sa edad na 10,  kung saan nakalaban niya ang 15 Pinoy Singing Champions sa Italya.  Bukod dito, nagsimula na ring mag-uwi ng titolo mula sa Italian singing contest ang dalagita. Sa kabila ng nag-iisang dayuhang contestant, ay nanalo sa “2010  Vivere IL Rossi” na ginanap sa Campi Bisenzio. Tinanghal ring grand winner ng “Tuklas Film Production Search for Singing Star” sa Firenze.  At kamakailan ay nag perform sa TVL Pistioa TV “PROVA a PROVARE”.  Kabilang din si Camille sa mga participants noong nakaraang summer sa “UNA CANZIONE Per Te” sa Sky Channel.  Sa edad na 12 taon gulang ay pinatunayang muli ni Camille ang kanyang talent at tinaguriang  ‘Talentadong Pinoy’ sa Italya.

Upang makapasok sa finals, ay inaanyayahan ang buong sambayanan na tunghayan ang pagtatanghal ng dalagita sa Sabado, Nov 24, ganap na ika 9 ng gabi. Gamit ang itatalagang codice (o code) sa kanyang pag-awit, ay maaaring magpadala ng text message sa 47333 para sa text voting. (PG at sa pakikipag-tulungan ni Argie Gabay)

Mga Italians balik domestics, + 20% mula 2008

Blood donation hatid ng Ang Dating Daan