in

“Itinago sa akin ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng aking anak” – Jacquiline

Rome- Hulyo 30, 2012 – “Walang sinumang nagsabi sa akin ng tungkol sa pagkakapalit ng suwero, kundi natural death ng pagiging premature ang sinabing dahilan ng pagkamatay ni Marcus”.  Ito ang mga naging salita ni Jacquiline de Vega, ang ina ng sanggol na si Marcus Johannes, kaninang umaga sa Procura di Roma.

Si Jacquiline, kasama ang kanyang abugado at employer na si Danilo Granito, sa unang pagkakataon ay nakaharap ang Prosecutor na si Leonardo Frisani at dito ay binigyang –diin ang katotohanang ipinagkait sa kanya ng mga duktor at nabasa at nakita na lamang ito sa mga pahayagan.

Kinumpirma rin ni Jacquiline sa Tagausig na tinanggihan ang pagsailalim ng sanggol sa autopsy tulad ng nasasaad sa report ng direzione sanitaria na ipinadala sa Procura noong July 3. Ito ay dahil sa walang kaduda-duda ang ina sa mga pagkakamaling naganap noong June 27 bagkus ay isinaalang alang ang nakitang pag-aaruga sa anak noong nabubuhay pa ito.

Bukas, ang Procura ay pakikinggan rin ang ilang suspect sa krimen.

 

“Inaasahan ang halos 500,000 aplikasyon sa nalalapit na Sanatoria 2012” – Sportello dei Diritti

Bagong pasaporte, patunay para sa Sanatoria?