in

Isang buntis ng anim na buwan inaresto sa pagbebenta ng shabu

Kasama ng buntis ang isa pang babae at dalawang lalaki. Nahulihan ng 130 gramo ng shabu.

Modena, Mayo 31, 2013 – Dalawang lalaki at dalawang babaeng Pilipino, may edad 25 hanggang 30 anyos ang inaresto kamakailan matapos mahulihan ng 130 gramo ng kilalang shabu. Nagkakalahaga ng 400 € bawat gramo.

Noong nakaraang Linggo, ayon sa mga report, ay natagpuan ang halos 25 gramo ng droga sa appartment sa Via Giardini, na nakatago sa bulsa ng unang mag-asawa. Samantala, ang 105 gramo naman ay natagpuan sa isang hotel sa Via Vignolese ng ikalawang mag-asawa.

Ang dalawang courier ay nagmula pa sa Espanya at nagtungo ng Modena sa pamamagitan ng  pullman upang maiwasan ang anumang suspetsa. Ang mga militar ay natagpuan rin ang 5,000 euros cash, halagang siguradong ibinayad sa dawalang courier, dagdag pa ng report.

Ang isa sa dalawang inarestong babae ay nagdadalang-tao ng anim na buwan at kasalukuyang naka-house arrest.

Ikalawang Pinoy Band Expo ginanap sa Roma

AS Fil-Roma dumayo sa Bologna