in

Federation of Fil-Com in Emilia Romagna & Marche

Rimini, Abril 2, 2014 – Ginanap ang 1st General Assembly ng iba’t ibang FIL-COM sa rehiyon ng Emilia Romagna at Marche noong nakaraang March 23 sa Rimini. Ito ay pinangunahan ng Filipino Community Romagna Chapter (FCRC) sa pamumuno ng presidente na si Max Rivera Mercado.
 
Naging matagumpay ang malaking pagpupulong, kung saan dumalo ang mga lider ng iba’t ibang filippino communities dahil naitaguyod ang pagkakaisa ng mga migrant workers sa dalawang rehiyon. Kabilang sa mga tinalakay ang iba’t-ibang prebilihiyo na makakabuti sa kapakanan ng mga kababayang ofws.

 
Umabot sa 72% ang suportang ibinigay ng mga filipino communities  (hindi pa kabilang dito ang limang community leaders na nagpahayag ng suporta ngunit hindi nakadalo sa pagtitipon) dahil dito ay pinangalanan ng FEDERATION of FIL-COM in EMILIA ROMAGNA & MARCHE ang nabuong grupong nagkakaisa.
 
 
Batay sa Constitution and Bylaws ay napagkasunduan ang agarang botohan ng mga manunungkulan upang maging gabay ng nagkakaisang Community sa mga nasabing rehiyon.
 
Bukod dito, ay nabuo din ang dalawa pang sangay na tinaguriang WOMEN's AT YOUTH CLUB.
 
“Lubos ang aking pasasalamat sa lahat ng nagtiwala para pamunuan ko bilang kauna-unahang Presidente ng FEDERATION of FILIPINO COMMUNITY in EMILIA ROMAGNA and MARCHE”, ani ni Mercado. “Makaka-asa po kayo na lalo ko pang pag-iibayuhin ang tungkulin ipinagkatiwala ng lahat”, dagdag pa nito.
 
 
FEDERATION OF FILIPINO COMMUNITY in EMILIA ROMAGNA and MARCHE
FOUNDING/ PRESIDENT: MR. MAX RIVERA MERCADO – RIMINI
VICE PRESIDENT: (INTERNAL) MRS, FHELY GAYO -RAVENNA
VICE PRESIDENT: (EXTERNAL) MR.ROBERT RAZON – PESARO URBINO
SECRETARY : (INTERNAL) MR, MAWIE BATAC -RIMINI
SECRETARY: ( EXTERNAL) MS, ANGIE SINENCE -CESENA
TREASURER: MRS. LAARNI ABEL PEREZ – RIMINI
BOARD OF DIRECTORS;
MR. GREG MENDOZA – MODENA
MR. HENRY GAYO – RAVENNA
MR. DARWIN TIMBOL – MANTOVA
MR.LARRY BUENDIA – CIVITANOVA MARCHE
MR.ANDY MAGNAYE – MODENA
MR.JACINTO MANALO – MODENA
MR,THITO ARELLANO – PARMA
MR.ARNOLD BARQUIO NOCHE – ANCONA
MS.ALICIA CERENO – CIVITANOVA MARCHE
MR.CRISPIN AGPOON – FORLI
MS.WENIFREDA CRISOSTOMO – MODENA
MR. EMERSON MALAPITAN – MODENA
MR.RODEL MANUEL BOLOGNA
Founder / Organizer
Mr.Henry Gayo
Mr. Greg Mendoza
Mr. Max Rivera Mercado
 

One Voice, One Action – FEDERFIL-ITALY

STO.TOMAS TOWN FIESTA, ginanap sa Milan