in

Episodyo ng pangmomolestya, inireport sa Pisa

Pangmomolestya sa Pisa Ako Ay Pilipino

Hindi nagkaroon ng tahimik na Pasko ang isang itinuturing na pamilya sa Pisa. Ito ay dahil sa hindi kanais-nais na episodyo ng pangmomolestya sa ilalim mismo ng bubong ng kanilang tirahan.  

Isang 62-anyos na pinoy ang sumailaim sa isang imbestigasyon matapos itong ireklamo ng kanyang kinakasama.  Ang ugat ng iniahin na “denuncia” ay ang  “sexual harrasment”  umano ng  stepfather ng isang 16-anyos na dalaga. 

Ang episidyong ng pangmomolestya ay nangyari sa isang lugar sa lalawigan ng Pisa. Ayon sa paunang ulat,  ang inireklamong lalaki ay nahuli ng kanyang ka live-in na minomolestya ang kanyang 16-anyos na anak. Hindi naman nagbigay ng mga maselang detalye ang alagad ng batas dahil ang lahat ay masusi pang pinagaaralan at pinaiimbestigahan.  

Sa tawag ng nanginginig na boses ng ina sa kabilang linya ay agad na rumisponde ang mga carabinieri. Pagkatapos ay dinala ang pamilya sa himpilan kung saan nagkaroon  ng malalim na imbestigasyon at pinakinggan ang salaysay ng biktima. 

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng mataas na awtoridad ang kaso at ang pamilya. Mananatili muna sa isang ligtas na lugar habang naghihintay ng desisyon ng judge. Maliban lamang sa akusadong padrasto.

Pinapaalalahanan ang lahat ng mga magulang lalong lalo na ang mga ina na maging mapagmatyag at alerto. Ang mga senyales ng pangmomolestya ay maaring makita sa kanilang mga anak. At maaring hindi magsumbong sa mga kapamilya nito sa dinaranas na paghihirap dahil sa takot. (ni Quintin Kentz Cavite Jr.)

New Year's Resolution Ako Ay Pilipino

New Year’s Resolution, kailangan ba talaga?

winter sale petsa Ako Ay Pilipino

Winter sale, posibleng magbago ang petsa sa ilang Rehiyon