in

Episodyo ng pagkahulog mula sa mataas na palapag, naulit sa Milano

Isang 23-anyos na Pinoy ang nahulog mula sa 3rd floor sa Milan.

Hindi pa man nakakarecover ang komunidad ng mga Pilipino sa Milano at heto na naman ang isang trahedya: Episodyo muli ng pagkahulog. 

Sa pagkakataong ito, isang 23-anyos na pinoy naman ang nahulog mula sa 3rd floor. Lumalabas sa imbestigasyon na nagkainuman ang ilang pinoy sa loob ng bahay. Matapos uminon ng alak ay nagdesisyon ang biktima na manigarilyo sa balkon. Dinungaw umano nito ang bisikleta na nakapark sa ibaba at sa pagkakataong ito ay sinamaan ng pakiramdam. 

Maaring ito ang naging dahilan ng kanyang pagkahulog. Agad na dumating ang mga kapulisan at mga personnel ng 118. Isinugod sa ospital ang pinoy na malubha ang kalagayan. Hiningan ng pahayag ang mga nakasama ng biktima para sa mas malinaw na rikonstruksyon ng pangyayari. Nangyari ang insidente bandang alas 6 ng gabi araw ng biyernes, ika-30 ng abril 2021 sa zona Inganni sa Milano. (Quintin Kentz Cavite Jr.)

Picnic, may pahintulot na ba sa zona gialla?

Pinoy, naisalba ng Italian Coast Guard