in

Dalawang Pinoy, sangkot sa panghoholdap sa Roma

ako-ay-pilipino

Naging usap-usapan ng mga komunidad sa Roma ang isa na namang episodyo ng karahasan na sangkot umano ang dalawang pinoy. 

Ang usaping ito ay kumalat matapos na mailathala sa ilang pahayagan sa Roma ang nangyaring insidente. 

Ayon sa mga report, isang 24-anyos ang nilapitan ng dalawang suspek na pinoy habang naglalakad sa zona ng Pineta Sacchetti, isa sa pinakamalaking parco regionale urbano sa Roma. 

Matapos ang ilang minutong sagutan ay nakitaan ang mga ito ng isang kutsilyo at pilit na kinukuha ang kanyang dalang bag. Dahil sa pagkabigla at takot ay wala nang nagawa ang biktima kundi ang ibigay ang dalang bag na may laman na mga importanteng dokumento at hindi kalakihang halaga ng pera. 

Matapos makuha ang mga kagamitan ng napiling biktima ay agad na tumakas ang dalawang suspek. 

Dito lamang parang nahimasmasan ang biktima at agad na himingi ng tulong sa mga awtoridad na agad namang dumating at kinunan ng pahayag ang nagreklamo. 

Malaki umano ang pasasalamat nito at hindi siya sinaktan ng dalawang masasamang loob. Batay sa paglalarawan ng biktima ay nagsagawa na ng imbestigasyon ang kapulisan upang matunton ang dalawang pinaghihinalaang may gawa ng krimen. (Quintin Cavite Jr.)

Paalam Kuya Macky!

ako-ay-pilipino

Ang iba’t ibang uri ng tests ukol sa COVID 19