in

Dalawang gypsies na tumakas, nahuli na!

Ang dalawang gypsies ay may edad na 17 at 19 anyos. 

 

 


Roma, Hunyo 1, 2015 – Nahuli na kaninang umaga ang dalawang gypsies na tumakas matapos makaladkad at naging sanhi ng pagkamatay ng 44 anyos na Pilipina noong nakaraang Miyerkules, bukod sa walo (8) pang sugatan.

Ang dalawa: Samuele H., 19 anyos at Entuli H.,17 anyos, ay nahuli na ng awtoridad kaninang umaga sa Massimina, Roma. “Ang menor de edad, ayon kay Minister  Interior Alfano – ay marahil ang nagmamaneho ng sasakyan noong nakaraang Miyerkules”.

Ayon sa mga unang report, magkapatid umano ang dalawa. Ang menor de edad ay marahil ang asawa ni Maddalena H., ang 17 anyos na una nang nahuli matapos ang trahedya. Ang dalawa ay may anak na 10 buwan. Ang 17 anyos na babae ay kasalukuyang nasa Carcere minorile ng Casal del Marmo.

 
 

Philippine driver’s license, maaari bang gamitin sa Italya?

Isang Pinoy at tatlong Instik, arestado sa Padova dahil sa shabu