in

Bangkay ng Pilipino, natagpuan kaninang umaga

Nireport na nawawala noong nakaraang Biyernes .

Verona, Hulyo 13, 2012 –  Ang bangkay ng 22 anyos na Pilipinong nireport na nawawala noong nakaraang Biyernes, July 6 sa Adige ay natagpaung nakalutang kaninang umaga sa ilog, malapit sa diga centrale San Giovanni Lupatoto sa Via Garofoli. Ang bangkay ay natagpuan ng isang residente makalipas ang alas 8 ng umaga at itinawag sa 112.

Si Alvin Clomera, 4 na taong residente sa Verona kasama ang kanyang pamilya, ay nireport na nawawala ng mga kaibigang kasamang nag-outing, matapos itong hindi na nakitang umahon sa paglusong sa ilog sa Adige (Pestrino) noong nakaraang Biyernes.

 

 

Pinoy Sportsfest ng Filipino Association of Catania, sinimulan

FNA – between professional work and social service