in

Away sa pagitan ng mga Pinoy at Tunisians, lima arestado

Naganap ang bugbugan sa pagitan ng mga Pinoy at Tunisians sa Trionfale, Via Ipogeo degli Ottavi sa Roma kahapon.

Roma – Agosto 2, 2012 – Tatlong Pinoy ang sangkot , may edad mula 29 hanggang 37 taong gulang, samantala dalawa naman ang Tunisians na pawang 23 at 25 taong gulang.

Ayon sa mga report, ay tila naging mainit ang naging diskusyon sa pagitan ng lima na naging sanhi ng away. Nasa kalagitnaan naman ng mainit na sagupaan ng dumating ang mga militar. Matapos dalhin ang lima sa San Filippo Neri Hospital sa tinamong mga sugat at pasa ay agad namang inaresto ang mga ito.

Standard Requirements for Philippine Passport Application

Nakatanggap ng collection notice, ano ang dapat gawin?