in

Asian restaurant sa Bologna na may 15 trabahador na Pinoy, sumabog

Limang Pilipino: 3 lalaki at 2 babae bukod pa sa isang Chinese na lalaki at isang Italian na babae ang sugatan sa naging pagsabog ng isang Japanese restaurant sa Bologna.

 

Bologna, Hunyo 23, 2016 – Isang malakas na pagsabog kasabay ng mga sigawan at paniko sa sentro ng Bologna ang naganap noong nakaraang Huwebes, June 16 bandang alas 6.30 ng hapon.

Isang Japanese restaurant, ang Zuma, na matatagpuan sa pagitan ng Via Fossalta at Via Altabella ang sa isang iglap ay nauwi sa abo na sa mga oras na iyon ay kasalukuyang naghahanda ng pagbubukas sa publiko.  

Mabilis na sumaklolo ang vigili del fuoco, mga pulis at ang 118, partikular anim na squadre ng vigili del fuoco at limang ambulansya ang mga dumating.

Ayon sa mga report, karamihan ng tauhan ng nasabing japanese restaurant ay mga Pilipino, halos 15. Pito ang sugatan, limang Pilipino (3 lalaki at 2 babae) at isa sa kanila na iilang buwan pa lamang na nagta-trabaho dito ay naging malubha ang kunsdisyon; isang Chinese na lalaki at isang Italian na babae. Lahat ay pawang nasa maayos ng kundisyon sa kasalukuyan.

Isang boiler ang sinasabing sanhi ng naging pagsabog ng asian restaurant at walang anumang singaw ng gas tulad ng unang inireport. 

Iniimbestigahan ng awtoridad ang dahilan ng naging pagsabog ng boiler.

Samantala, isang panayam kay Bryon Verano, 25 anyos at isa sa mga trabahador ng Zuma ay nasa loob ng restaurant ng naganap ang pagsabog.

Hindi kami kahit kailan nagkaroon ng problema sa electrical system dahil lahat ay bago. Ito ay kinokontrol at sa katunayan, isang technician ang nag-control nito, nitong linggo lamang”. 

 

PGA

Carta blu, mas mabilis na pagpasok ng mga skilled workers

Virginia Raggi, nanumpa bilang unang babaeng Alkalde ng Roma