in

Apat na Pilipino, arestado sa Pisa

Natagpuan ang shaboo sa ginawang raid. Inaresto ang 4 na Pilipino.

Pisa, Nobyembre 21, 2013 – Ang pinagsamang operasyon ng awtoridad ng Pisa at ng Livorno ay naging daan upang tugisin ng mga militar kamakailan ang paglaganap ng shaboo at arestuhin ang 4 na Pilipino. 
 
Inaresto ang 4 na Pinoy, mula edad 35 hanggang 53, matapos matuklasan ang isang apartment sa Livorno (malapit sa piazza Grande) kung saan inihahanda, pinapakete at ibinebenta ang ipinagbabawal na gamot.
 
Ayon sa report, sa ginawang raid, matapos ang isang masusing imbestigasyon, ay natagpuan sa silid ng 4 na Pilipino, 2 lalaki at 2 babae,  ang mga pinaketeng shaboo (75 grams), ilang maselang timbangan, gamit sa pagre-repack at mga cellphones sa pagtawag sa kanilang mga kliyente. 
 

Mula seasonal sa subordinate job, maaari ba?

Higit sa 5,000 nasawi – NDRRMC