in

Alegasyon laban sa Azkal

altIsang pambabastos diumano mula sa dala­wang players ng Philippine national men’s football team Azkals na sina Moy at Fil-Spanish Juan Angel Guirado sa anak ng dating Pangulong Fidel V. Ramos na si Cristy Ramos.

Sa salaysay ni Ramos, binastos siya ng dalawang Azkal players nang banggitin ni Moy ang kanyang bra size habang si Guirado ay lantad na humarap na naka-brief lamang nang inspeksyunin ng una ang dugout ng Azkals bago ang friendly match noong Miyerkules laban sa Malaysia sa Rizal Football Stadium kung saan nagsilbi si Ramos na match commissioner.

Isang bagay na hindi naman itinanggi o ki­num­pirma ng isa sa dalawang players ng Azkals ang alegasyon ng pambabastos o sexual harassment.

Humingi naman ng paumanhin si Azkals manager Dan Palami kay Ramos at nangakong iimbestigahan at aaksiyunan ang pambabastos umano ng dalawang players.

Inihain na rin ng da­ting pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) ang reklamo niyang sexual harassment sa Asian Football Confede­ration (AFC) laban kina Moy at Guirado.

Piniling manahimik ni Guirado ukol sa isyu.

Sampung embahada at konsulado magsasara ngayong taong ito

Higit sa 12% ng GDP ay mula sa mga dayuhan