in

54 anyos na Pinoy, natagpuang patay sa kanyang kwarto sa Lecce

Bangkay na nang matagpuan ang isang 54 anyos na Pinoy kahapon, Jan. 30, 2022 sa Via Leuca sa Lecce, Italy. 

Ayon sa ulat ng awtoridad, humingi umano ng tulong ang Pinoy bandang 10:30 ng gabi kahapon sa ilang kaibigan dahil sa biglang pagsama ng pakiramdam nito. Hindi nag-atubili ang mga kaibigan at agad namang tumawag ng saklolo sa 118. 

Napilitang pwersahin ang pintuan ng tirahan ng Pinoy ng mga rumispondeng mga Vigili del Fuoco (Bumbero) at 118. 

Sa kasamaang palad, bangkay na nang natagpuang nakahandusay ito sa kanyang kwarto. Tanging pag-kumpirma sa pagkamatay ang nagawa ng mga health workers. Ayon pa sa 118, natural death, marahil atake sa puso, ang naging sanhi ng pagkamatay dahil walang nakitang marka ng pananakit sa katawan at maayos ang bahay at walang bakas ng pagnanakaw sa tahanan nito. 

Click to rate this post!
[Total: 15 Average: 2.7]

Ako Ay Pilipino

Nag-positibo sa Covid? Narito ang mga Covid packages mula sa Cassacolf

Cambio di Residenza, maaari nang gawin online