in

3 Italyano, binugbog ng 20 Pinoy, matapos bastusin ang 1 Pinay

Isang paruri na may halong pambabastos sa isang dalagang Pilipina habang naglalakad sa kalsada ang pinagbayaran ng 3 kabataang Italyano na may edad 14 – 16 anyos.

Milan – Nov 19, 2013 – Batay sa mga report, ang lahat ay nagsimula sa isang papuri na may halong pambabastos sa isang dalagang Pilipina bandang alas 7:30 ng gabi noong nakaraang Sabado sa Sempione park sa Milan.

Sa katunayan, di pinansin ng dalaga ang pambabastos ng mga kabataan sa simula. Ngunit, ang 20 kababayang kasama ng dalagita ay kumilos at binugbog ang 3 makalipas ang ilang sandali, dahilan sa pagkakapasok sa ER  (codice giallo) sa Clinica Pediatrica De Marchi ng 1 sa kanila sa pamamagitan ng ambulansya.

Samantala, ang biktima ay natagpuan ng awtoridad na shock sa mga pangyayari at isinugod sa Fatebenefratelli hospital.

Bukod dito, ayon sa mga report, isa sa 3 Italyano ang nawalan ng cellphone.

 

Filippine, ora uniamo le forze per la ricostruzione

SANTO ROSARIO FAMILY NG FIRENZE, NAGDAOS NG “KARAKOL”