in

1st European Healing Crusade ng DWXI-PPFI, ginanap sa sa Roma

Roma, Nob. 28,2012 – Ginanap ang kauna-unahang European Healing Crusade sa Roma noong Nov. 11 ng DWXI-PPFI lalong kilala bilang El Shaddai Catholic Charismatic group,  sa pamamagitan ng servant-leader na si Bro. Mike Velarde sa Basilica di San Giovanni Bosco.

Ang pagtitipon, na pinangunahan ng Rome Chapter, na kasalukuyang nasa ika-20 taon ng paglilingkod, ay dinaluhan ng halos 2,000 katao na nagbuhat pa sa iba’t-ibang parte ng mundo.

1 + 1 = 3, ito ang buod ng mensahe ni Bro. Mike. Dala nito ang kagalingan pisikal, pinansyal at spiritwal mula sa pananampalataya at panalanging hatid ng mensahe ng servant-leader. Gamit ang mga ‘prayer request envelopes’ gayun din ang mga panyo kung saan nakatatak ang pangalan ni El Shaddai (the name is a combination of two Hebrew words: "El" means God,and "Shaddai" means Almighty. Thus El Shaddai is translated as "God Almighty" (Genesis 17:1 and Genesis 35:11) ay sama-samang nagtipon at nakinig ng mga salita ng Diyos sa pagdiriwang ng banal na misa at healing message ang mga mananampalataya.

Kabilang na dumalo ang mga miyembro ng nagbuhat pa sa iba’t-ibang parte ng mundo. Kabilang ang MILAN, TORINO, PARMA at PADOVA Chapter; gayun din ang CASERTA, LECCE,VENICE, BOLOGNA,BRESIA , MODENA,  VICENZA, TREVISO, BERGAMO, COMO cell groups buhat sa Italya.

Nakapiling din sa pagtitipon ang mga kapatiran buhat sa Europa; ang London Chapter, Buckinghamshire Cell Group, Scotland Chapter,Vienna Chapter, Paris Chapter, Nice Chapter, Marseille Chapter, Zurich Chapter, Madrid Chapter, Barcelona Chapter, Atocha Cell Group, Palma de Mallorca Cell Group, Bilbao Cell Group, Athens Chapter, Amsterdam Chapter, Bruxelles Chapter, Dublin Chapter. Dumating din ang mga kapatiran buhat sa USA, ang Los Angeles Chapter, Sta. Clarita Chapter, St. Thomas Chapter, Long Beach Chapter, West Covina Chapter, Moreno Valley Chapter, Altadena Chapter, Hacienda Heights Chapter, Bell Flower Chapter at Toronto Chapter.

Ginanap din ang ilang mahahalagang pagtitipon tulad ng 1st European Youth Encounter (Nov. 10), ang Discipleship Training (Nov. 12), at ang Papal Visit (Nov 14). (larawan ni: Al Atienza)

 

Si Cardinal Chito Tagle sa aking paningin

Agenzia dell’Entrate, tinanggal ang programa sa pagtanggap ng kontribusyon