in

19 anyos na Pinay na positibo sa Covid19, kasama ang 20 kaibigan, lumabag sa mga health protocols

Isang 19 anyos na Pinay ang kinasuhan matapos lumabag sa mandatory isolation dahil positibo sa Covid19. 

Ang Pinay, kasama ang 20 pang mga kaibigan nito, ay natagpuan ng mga militar sa Piazza Gae Aulenti, Milan bandang alas 9.45 ng gabi, bago magsimula ang curfew, na kumpol-kumpol o assembrati at mga walang suot na mask.

Ang 21, lahat ay nasa pagitan ng edad 18 hanggang 20 anyos, ay kinilala ng awtoridad at minultahan ng mula € 400,00 dahil sa paglabag ng lahat sa mga health protocols: assembramento at hindi pagsusuot ng mask. 

Ang Pinay na positiba, na napatunayan sa pamamagitan ng covid test na ginawa isang araw bago ang ginawang paglabag, ay kinasuhan ng epidemia colposa at nanganganib ng pagkakakulong mula 6 na buwan hanggang 3 taon. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 4.7]

Curfew, ginawang 11pm. Narito ang road map ng bagong decreto

7 benepisyo ng regular na pag-jogging