in

“The Champs”, inaabangan na sa Italya!

Inaabangan na ang back to back concert ni Jovit Baldovino at Angeline Quinto sa Italya.

altRome, Abril 20, 2012 – Malapit na ang pinakahihintay na “The Champs”, ang back to back concert dito sa Italya ng dalawang tanyag na mang-aawit mula sa Pilipinas, sina Jovit Baldovino, ang kinilalang first winner ng Pilipinas Got Talent 2010 at si Angeline Quinto, ang first grand winner ng Star Power: Search for the Next Female Pop Superstar noong 2011.

Gaganapin sa Milan ang nasabing konsyerto sa Miyerkules, April 25 sa Palasesto, Piazza Primo Maggio, Sesto San Giovanni at sa Roma, April 29 sa Sala Esperanza Palace ng Hotel Ergife sa ganap na ikalawa ng hapon.

“Bilang counterpart organizer ng concert sa Rome – ayon sa presidente ng Federfil (o Federation of Filipino Communities and Associations in Italy) – bukod sa maghahatid saya ito sa ating mga kababayan at magbibigay daang makilala ang kasalukuyang stars sa ating bansa, layunin ng pederasyon ang makatulong sa mga humanitarian mission ng Deusfratres ONLUS”.

Abala rin naman ang mga front act na mga local artsits sa Roma. Kabilang na mapapanood ang Center Stage Production, Chasermyc, Emperio ng Roma, Filipino Musical Academy, Hardcrew, Krixzmay23, Lovedflock, Luis Brasil, Noypitality band, Pinoy teens, Pyramid Entertainment production, Romel dela Cruz, Virus, 24K band, Emmanuel Amboy and Rudy Sudara.

Para sa mga tickets, mangyaring makipagugnayan lamang sa numero: 3498556452

Italya, ikalimang bansa kung saan matatagpuan ang mga migranteng Pinoy

Story of Rome