in

Search for Mr & Miss Bulilit South Italy 2019, ginanap sa Messina

Labing-anim na mga bulilit ang nagpabonggahan at nagpasiklaban sa ginanap na Search for Mr & Ms Bulilit South Italy 2019 sa Messina sa pangunguna ng Associazione Comunitaria Filippina Messina o ang ACF.

Ang ikalawang taon ng patimpalak ay ginanap noong June 30, 2019 sa Cine Teatro Messina.

Ang mga candidates, 10 batang babae at 6 na batang lalaki ay nagmula pa sa Salerno, Cosenza, Reggio Calabria, Giarre, Milazzo at Messina. Sila ay nagpakitang gilas sa kani-kanilang talento: sayaw, kanta at maging tikas ng tindig, gandang magdala ng damit at pati stage presence na tila hindi mga bata. Bukod dito ay ang kanilang kabibuhan na nagbigay saya sa lahat ng mga dumalo sa kumpetisyon.

Guest speaker si Consul Avvocato Francisco Mortelitti kasama ang mga anauhing pandangal na sian Assessore dello Sport Avv. Giuseppe Scattareggia, Maestro Angelo Minissale, Maestro Alessandro Olivato, Vincenzo Termini, Sharon Arena Balletto Internationale.

Hindi naging madali para sa mga hurado ang kanilang trabaho. Sina Ariel Lachica at Christy Bautista mula Roma, Joel Ceredon mula Trieste, Edmund Dugay mula Milan, Julie Mecha mula Giardino Naxos at Carmen Perez Reggio Calabria ang naatasang mga hurado.

Tinanghal na Ms. Bulilit South Italy 2019 si Angel Garcia ng Messina; 1st runner up si bulilit Sophia Jasmin Lao Bonzon ng Messina; 2nd runner up si bulilit Keemberlynn Patane mula Giarre; 3rd runner up si bulilit Yvonne Angela Abrenica ng Cosenza; 4th runner up si bulilit Ayishakyle Jyeshan Rose ng Salerno

Mr. Bulilit South Italy 2019 si Marc Allen Derije ng Reggio Calabria; 1st runner up si bulilit Jorem Oliver Madriaga ng Giarre; 2nd runner up si bulilit Valerio Garais ng Messina.

Tatlong eskwelahan ang nabigyan namin ng tulong at noong nakaraang taon ay sa bahay aruga naman ng mga bata na may cancer ang natulungan ng mga bulilit”, ayon kay Miriam Macadeo, ang president ng ACF.

Kasama po ang buong pamunuan: Allan Jacutina – Vice president; Darlyn Marie Ortega – Secretary; Jocelyn Caisip – Treasurer; Kathryne Shaira Joy Sacsac – Auditor,  ay lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng tumulong at nagtitiwala”.

 

 

 

 

 

Paano susukatin ang lakas at kapangyarihan ng isang pasaporte?

Maltempo, naitala ngayong araw