in

RANDY SANTIAGO,.. DI PA RIN LAOS PARA SA MGA PINOY SA MILAN

altMilan – Pinagkaguluhan  ng mga  Pinoy dito sa Milan si  Randy Santiago sa ginawang performance nito sa  Cavalieri Hotel Cavalieiri  kamakailan para sa Caravan show  ng isang malaking real estate developer.

Kilig to the bones pa rin ang mga OFW kay Randy  dahil sa galing pa rin nitong mag perform. Tili at hiyaw ang salubong ng mga fans sa paglabas ng singer/host actor ng  kapamilya network.

Higit na naging masaya ang gabi nang hilahin ni Randy ang mga guests upang makisayaw at  maki-kanta sa  kanya. Karamihan sa mga dumalo  ay mga OFW na nag-invest para  may matirhan sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas.

Sinamantala na rin ni Randy ang plugging ng kanyang bagong non-time show na Happy Yippee Yehey  sa kapamilya network.

Mahigit sa  labing-limang katao ang agad na nag pa reserve  on the spot para bumili ng bahay at lupa o condominium  units  para sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas.

Ibinahagi ng top seller na si Evelyn Magsino ang kanyang mga karanasan kung papaano makahikayat ng mga OFW para mag invest  at maghanda sa kanilang kinabukasan.

Ayon sa kanya, ang sekreto ay ang ikuwento ang kanyang  naging karanasan  bilang kliyente rin ng nasabinhg  real estate developer bago pa pumasok sa nasabing kumpanya. Satisfied daw sya sa  kanya’ng nabiling  unit.

Sa naging resulta ng roadshow, lumalabas na marami pa ring Pinoy ang naghahanda para sa kanilang kinabukasan at pagbabalik sa Pilipinas.

Krisis man daw sa ngayon, mahalaga pa ring paghandaan ang kinabukasan kahit  dahan-dahan lang. (Zita Baron)

 

 

Summer Sale 2011, uumpishan sa July 2 na!

PHILIPPINE INVESTMENT ROADSHOW LED BY ITALY’S AMBASSADOR TO THE PHILIPPINES KICKS OFF IN MILAN