in

Miss Pisa Jessalyn Salazar tinanghal na “Miss Teenage Princess 2011” ng Filcom, Empoli

altEmpoli – Ang labinglimang taon gulang na si JESSALYN L. SALAZAR ng Pisa ang may hawak ngayon ng titulong Miss Teenage Princess na handog ng Filcom, Empoli. Si JELLA, kanyang palayaw ay ipinanganak sa Abra, San Jose, Batangas. Nag aral sa Fernando Air Base Elementary School at Fernando Air Base National High School sa Lipa City.  Sa ngayon siya ay nasa Terza Media sa Giuseppe Toniolo Pisa. Bukod sa Crown nakuha niya rin ang Miss Frienship, Best in Gown at Best in Casual Wear.  Ang naturang patimpalak ay pinamunuan ni Filcom President Allan Macalindong katulong ang mga opisyales at miyembro at ito ang kanilang ika 9 na taon pagkatatag.  Ito ay ginanap noong Hunyo 5, 2011 sa Palazzo dell Esposizione Empoli. Siyam na kandidatang teens (13 to 19 yr.old) ang lumahok sina Dynalyn Santos, Andrea Mendoza at Shelanie Rivera-Firenze, Mary Sunshine Reyes at Shay Janine Artates-Empoli, Romina Daguio-Arezzo, Francesca Funghi-Grosseto, Karina Malabanan-Livorno at Jessalyn Salazar-Pisa.  Si Miss Gay Crown Holder Kristine Mendoza ang numuno sa mga hurado kasama sina Mela Castilo-COMFIT, Leo Pinon-RCBC, Val Capsa-CONFED President at Cindy Espiritu. Mga Tabulators ay sina Glenda Guevara, Henry Brinas, Elvie Barilla at Jayvee Magnaye.  Maganda rin ang rapport ng dalawang Emcee/Host na sina Willy Punzalan at Precy Castillo Tejero.  Nakamit ni SHAY JANINE ARTATES ang first runner-up at Miss Body Beautiful, second runner-up si KARINA MALABANAN at Miss Charming, third runner-up si SHELANIE RIVERA at Miss Darling of the Crowd, fourth runner-up si DYNALYN SANTOS siya rin ang Miss Close-up Smile at Best in Swim wear, nakamit ni ANDREA MENDOZA ang Best in Sports wear at Best in Talent, Miss Photogenic si ROMINA DAGUIO at Miss Performer si FRANCESCA FUNGHI.  Nakakaaliw ang mga performer na nagbigay ningning sa programa mula kay Justin Joy Salazar kasama ang Ring of Fire Band, Christian Alonzo, Ashley Santos, Kristine Mendoza Senthosis Dancer at Christian Arezobal.  “Pinasasalamatan ko ang lahat ng tumulong sa naging tagumpay ng Miss Teenage Princess sa major sponsors RCBC,BDO,PNB, NEOS,Filinvest,UMAC, Kabayan Store, Filcom Officer,Unifil Empoli, Ditta Rantica,SKP Empoli, FGBI Empoli, Majorie Asug, Jayvee Magnaye, Henry Macalindong, Mr. & Mrs. Jinh Luistro at Mr. & Mrs. Rene Berganio, inaasahan ko sa part two ng Teenage Princess sa susunod na taon ay nariyan pa rin kayo salamat po uli pagtatapos ni Pres. Allan Macalindong” (ni: ARGIE GABAY)

 

                                                                 

Panunumpa ng Filipino Nurses Association of Tuscany – FNAT pinamunuan ni Honorary Consul Dr. Favio Fanfani

Ang mga colf ba ay obligadong gumawa ng income tax return o dichiarazione dei redditi?