in

Mauro at Lilia Esquivel, kinoronahan bilang Mega Couple 2013

Genova – Marso 13, 2013 – Ang mag-asawang mas kilala sa tawag na Orly at Lily mula sa Malvar Batangas ang nakasungkit ng titolong Mega Couple 2013 sa Genova. Napanalunan ng mag-asawa ang premyong trip to Barcelona Spain for 2 mula sa pangunahing sponsor ng nasabing contest. Pumangalawa naman ang mag-asawang Jon at Roselle Santos na muna naman sa Novaliches. Naiuwi naman ng mag-asawa ang fidelity gold ring. 2nd runner up naman ang mag-partner na sina Domenico Ambrogio, Italyano at Erlinda Bonafe, tubong Samar. Isang videocamera naman ang kanilang napanalunan mula sa isang nagmamay-ari ng restaurant.

Ayon pa kay Liliy Esquivel, hindi inaasahang sila ay mananalo dahil sila diumano ang kahuli-hulihang nakapasok bilang candidate. Pinagtulungan naman ng kanilang tatlong anak ang pagpaplano kung ano ang gagawing talent ng magulang. Ayon pa sa mga ito, sila ang nagbigay ng lakas ng loob upang sumali. Dagdag pa niya, napakalaki ng nagawang tulong ng kanilang pagsali sa search, dahil sa edad na higit sesenta ay naibahagi pa rin nila ang kwento ng kanilang pag-ibig at ang kanilang naging buhay mag-asawa na alam nyang makapagbibigay ng inspirasyon sa mga maraming mag-asawa na nakakaranas ng krisis sa pagsasama. Layunin ng patimpalak na maparangalan ang mga huwaring couple, hindi lamang sa kanilang pagbibihis at pagrampa sa entablado, kundi kung paano nilang napapanatiling matatag at puno ng pagmamahal ang kanilang pagsasama. Kung ipahihintulot lamang ng pagkakataon ay pinaplano ng organizer at sponsor na gawing nationwide ang search na ito upang maparangalan din ang ibang couple na nasa iba't ibang panig ng Italya. (ni: Jasmin Siman)

Gabi ng kantahan, humantong sa away

Pope Francis, may dugong bunga ng imigrasyon