in

Masquerade Party sa ika-limang taong anibersaryo ng COFILMO

Isang Masquerade Party ang isinagawa ng mga Filipino sa Modena Italy.

 

Modena, Nobyembre 22, 2016 – Kasabay ng pagdiriwang ng ika-limang taong anibersaryo nang La Comunita Filipina di Modena o COFILMO, isang masquerade party ang isinagawa sa Hotel Raffaello Modena Italy noong ika-12 ng Nobyembre.

Pangunahing panauhin mula sa Philippine Consulate General Milan sina Jocelyn Hapal, ang OWWA Welfare Officer/acting Labor Attachè at Mary Rose Usaraga, Administrative Staff na parehong nagpakita ng suporta at pakikiisa sa magagandang layunin ng nabanggit na grupo. Pinangunahan nila ang pagbibigay ng mga certificate sa mga officers ng La Comunita Filipina di Modena pati na rin sa mga Presidente ng iba’t-ibat grupo na nakiisa sa pagdiriwang.

Nagpaunlak rin sa pagdiriwang ang Department Head of Health and Social Welfare ng Modena na si Giuliana Urbelli.

Sa pangunguna ng kanilang Presidente na si Consorcio Amado, ang ginanap na anibersaryo ay isang gabi na puno nang kasiyahan at sayawan.

 

 

ni: Ailene Garcia

Top 10 Selfiest Cities sa buong mundo, narito ang listahan

Mga pari, maaaring patawarin ang mga sumailalim sa abortion