in

THE GRADUATION – ikalawang bahagi

Isang kwentong napapanahon at kathang-isip lamang. Tanging layunin ay ang magbigay-aliw sa mga mambabasa. Anumang pagkakatulad sa pangalan o kaganapan ay hindi sinasadya at isang pagkakataon lamang.

 

 

THE GRADUATION – Unang Bahagi

This is how to open an attaché doc.” Wala nang halong biro ang pagtuturo ni Federico. Bikig sa lalamunan at luha ang pilit na itinatago ng guro.  Sa isang pindot nito ay bumulaga sa lahat ang valedictory address ni Victoria.

Valedictory Address

by Victoria Tolentino

Respected  guests, parents, teachers, batchmates, good afternoon.  I still remember the first day I enter this high school. It seemed so big for me that I was frightened by new faces, new atmosphere and a new set of teachers.  Four years quickly passed and new faces had become best of friends, new atmosphere had become second home and new teachers had become foster parents. In this school we played, studied, laughed and even cried sometimes. Surely we will cherish every moment of our days in high school.

Dear teachers, on behalf of all the graduating students, we thank you! For your endless support and patience and most of all for the knowledge you have shared that nobody can take away from us.

Dear parents, maraming salamat po! My parents always tell me that only good education can bring us out of poverty and difficulties. Like any parents in the world you are always ready to give the best for us. To say thank you is not enough for all the things you do for us.

As we go out of this alma mater, some of us will go to university as some of us may go to work to help the family. But dear batch mates, let us all do the best of whatever endeavors we take. We must strive harder and as one force give our beloved country a helping hand towards economic stability. We must all be agents of reforms for a better Phillipines. A country who does not need to let her people to leave and work in other places. In the near future I want my mother back so let my wish be our guiding force to study even harder in college, becoming the prime actors of a new and energetic society  of our country.

Hurray for the parents , teachers and hurray to us graduating students of Malabon National High School!!!  I thank you.

My father was in Saudi Arabia when I graduated high school” Luhaang wika ng guro. “He was a chief engineer and sure he does not have problems with documents, pero he did not attended my graduation. He knew from others of my being a gay. I never had a father since I was a kid  much more during my graduation” Pilit ang pagpapatawa ni Federico  habang wari ay isang artistang nagtutuyo ng luha sa pisngi.  “ayan nasira na make up ni Federica” ang pabirong wika ng guro.

Umuwi ka na lang, importante yon sa anak mo.” Ang bulong ng kanyang katabi  “ Tama! Ako nga namatay ang asawa ko eh wala pa akong papel noon kaya hindi ako nakauwi, yong situwasyon mo , puwede nang i uwi yan!” Paliwanag pa ng isang kasama sa kurso.

Mother dalhin mo lang lahat ng documents mo at ang cedolino ng renewal and you can take at least 32 days of vacation . Nasa batas yan.” Pumipilantik ang mga daliri habang nagpapaliwanag si Federico.  “I will just e mail you the last three modules of our lesson, mas magaling ang teacher mo doon ,Valedictorian pa!” aniya pa niya.

Isang click pa ay lumabas sa printer ang kopya ng speech ni Victoria. “ 0, ayan ipabasa mo sa senyora mo at siguradong papayagan ka nila.” Ang pagtatapos na wika ng guro.

Desidido ang mga hakbang ni Lydia. Matapos ang computer lesson ay agad siyang bumalik patungong Metro A na magbabalik sa kanya sa Termini upang bumili ng tiket patungong Pilipinas. Nais niyang Makita si Victoria sa entablado habang tinatanggap ang medalyang ginto.

-wakas-

ni: Tomasino de Roma

MEDICAL AND DENTAL MISSION FOR FILCOMS IN MILAN

PHILIPPINE CONSULATE MOBILE IN MODENA