in

Sonata para sa Isang Ina

Isang pagbati ng Maligayang Araw ng mga Ina!!

Bakas sa iyong mukha
Walang kahulilip na ligaya
Munting punla ay lumaki na
Sa sinapupunan ay dala-dala.

Tibok ng puso niya ay tibok mo rin
Dugo at laman ay pag-iisahin
Siyam na buwan ang hihintayin
Pati ama ay pasasabikin.

Walang gabing ikaw ay nahimbing
Sikad at pagsiko niya ay titiisin
Bawat paggalaw dulot ay aliw
Hudyat na siya ay gising din.

Pagdating ng tamang panahon
Isang paa sa hukay ay nakabaon
Ikaw at ang munting sanggol
Isang simulain ang nilalayon.

Ang iyong habambuhay na misyon 
Maging matatag na ina mula ngayon
Sa kanyang pagkabata hanggang sa pagtanda
Pagmamahal at gabay ang itatalaga.

(ni: MADITTZ)
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang Certificazione Unica para sa Dichiarazione dei Redditi ng mga colf? Ano ito?

ACFIL, patuloy na adbokasiya sa loob ng 25 taon