in

Sharon Stone, dinemanda ng Pinay nanny

Dinemanda si Sharon Stone ng kanyang dating Pinay domestic at nanny sa pang-iinsulto diumano sa Pinay, bukod sa di tamang pagbabayad ng overtime nito.

altRome, Mayo 25, 2012 – Tinanggal si Erlinda Elemen ng bituin noong Pebrero 2011, matapos nitong hindi bayaran ng tama ang mga overtime nito. Kabilang ang pagtatrabaho tuwing holiday at ang pag-aaruga sa tatlong anak nito sa kanilang mga pagbibiyahe.

Ayon sa lawsuit, ay tinawag ding stupid people ni Sharon ang mga Filipino. Bukod dito ay pinagsabihan ang Pinay  sa pagpunta sa simbahan at minsang pinagbawalan sa pagbabasa ng bibliya at inutusang huwag kausapin ang mga anak nito upang hindi maging katulad ng ina ang kanilang pagasasalita.

Inaasahan naman ng abugado ni Elemen, Solomon Gresen, na bigyang atensyon ng korte ang tema ng overtime pay ng mga domestic workers at umaasa na ang kaso ay magsisilbing aral sa libu-libong underpaid.

Samantala, ayon sa publicist ni Stone na si Paul Bloch ay sinabing walang utang na loob ang Pinay at sinabing naghahanap ng panibagong pagkakataon upang makakuha ng karagdagang salapi lang ito. Ayon pa dito ito ay gawa-gawa lamang at walang katotohanan ang mga paratang sa aktres.

Dalagang imigrante kokoronahan rin sa Miss Italia

Visite Mediche Gratuite a Roma