in

Quarantine? Narito ang ilang practical tips.

Quarantine Practical Tips Ako Ay Pilipino

Isang taon na ring nanghahagupit sa buong mundo ang Covid19. At sa kasalukuyan, ay mayroong mga bagong variants ng coronavirus na resulta ng mutation nito, na kinatatakutang mas nakakahawa hanggang 70%. 

Ang mga huling ulat ay nagtatala muli ng pagtaas sa bilang ng mga kaso at ayon sa mga eksperto, ito ay sanhi na pagkalat ng variants sa Italya at ang bilang ay posibleng tumaas pa sa mga susunod na linggo at buwan. 

Sa kabila ng patuloy na pag-iingat ay marami tayong mga kababayang patuloy na nagpo-positbo sa virus. Marahil dahil nahawa sa ka-trabaho o employer mismo o marahil ay dahil sa mga ‘assembramenti’ sa transportasyong publiko. Kasunod ay ang ilang miyembro ng pamilya naman dahil sa pagiging ‘contatto stretto’ nito. 

Dahil dito ay kinakailangang sumailalim sa quarantine o isolation, lumayo muna kahit sa sariling pamilya, bantayan ang kalusugan hanggang sa magkaroon ng risultang ‘negativo’ ang tampone o swab test. 

Narito ang practical tips kung paano gagawin ang mandatory quarantine: 

  1. Una sa lahat ay huwag ikahiya itago ang kasalukuyang sitwasyon. Ang coronavirus ay walang pinipili at dapat agapan dahil sa mabilis na pagkalat nito, partikular sa loob mismo ng pamilya o ng komunidad.
  2. Upang maiwasan na posibleng mahawa ang ilang kasama sa bahay, ay kailangang bawasan o iwasan muna ang anumang contact sa kanila, tulad ng pagtulog muna mag-isa sa kwarto. Ang silid ay kailangan ding pahanginan ng madalas o ‘cambiare aria’. At ipinapayo ang paggamit ng mask sa tuwing makakasalamuha ang ibang kasama sa bahay. Paalala: Panatilihin palagi ang distansya ng 1 metro.
  3. Kung maaari lamang ay may sariling banyo na gagamitin ang nagka-quarantine. Kung imposible naman, ay ipinapayong gumamit ng disposable gloves tuwing papasok sa banyo ang nagka-quarantine. Pagkatapos ay ang pahanginan ito, gumamit ng detergent na may chlorine o 70% alcohol para ma-disinfect. Punasan ang bahaging madalas hawakan ng kamay tulad ng sindihan ng ilaw, hawakan ng mga pinto, mga gripo at iba pa.
  4. Iwasan din ang paggamit ng bagay na ginagamit din ng ibang kasama sa bahay tulad ng towel, beddings, plates, glasses, utensils. Hangga’t maari ay ihiwalay muna sa pagkain ang nasa-quarantine.
  5. Kung sakaling buong pamilya o lahat ng nakatira sa iisang bahay ang naka-quarantine, wala kahit isa sa miyembro ng pamilya ang maaaring lumabas ng bahay, kahit pa sa pagbili ng gamot at pagbili ng pagkain. Isang option ang pagbili ng gamot o grocery online. Kailangan lamang ang maging maingat sa pagtanggap nito mula sa magdedeliver. Maaari ring tumawag sa iba’t ibang asosasyon tulad ng Red Cross na simula noong nakaraang Marso ay mayroong mga volunteers. Maaaring tawagan at humingi ng tulong sa mga kasama sa Community o Assosasyon. Gayunpaman, ipinapayong iwasan ang anumang contact upang maproteksyunan ang mga taong tumutulong. Gumamit ng paper bag o maglagay ng maliit na upuan sa labas ng bahay bilang lalagyan ng lahat ng bagay mula sa mga tumutulong tulad ng lutong ulam, groceries, gamot at iba pa. 
  6. Para sa mga mayroong pet animali domestici, ipinapayong iwasan din muna ang contact dito. Sa kasong buong pamilya ay nagka-quarantine, ipagkatiwala muna ang alaga sa mga asosasyon o kaibigan upang maalagaan at maibigay din ang pangangailangan ng alaga, tulad ng paglalabas dito sa araw-araw.
  7. Kailangan ding bigyan ng atensyon ang pagtatapon ng basura. Ayon sa ISS o Istituto Superiore di Sanità, hindi kailangan gawin ang differenziata o ang paghiwa-hiwalay ng mga basura. Sapat na isarang mabuti ang basura, sa pamamagitan ng paglalagay nito sa isang pang plastic bag at gamit ang disposable gloves ay ibigay ito sa servizio a domicilio na ibinibigay ng serbisyo ng Comune kung saan residente. (PGA)

Basahin din:

AstraZeneca inihinto sa Germany Ako Ay Pilipino

Pagbabakuna ng AstraZeneca, inihinto sa Germany dahil sa side effects nito

Valle d'Aosta zona bianca Ako Ay Pilipino

Valle d’Aosta sa zona bianca, posible ba?