in

Pangulo at Grace Lee, hiwalay na?

altAbril 17, 2012 – Tahimik ang mga tagapagsalita ng Malacañang ukol sa balitang paghihiwalay diumano nina Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at sa naugnay dito na si Grace Lee.

Hindi diumano tinatanong ng presidential spokesperson Edwin Lacierda ang Pangulo ukol sa kumalat na balita lalo na’t nauugnay ito sa personal na buhay nito.

Buwan ng Enero ng kasalukuyang taon nang naging maninit ang mga balita ukol sa madalas na paglabas ng Pangulo at ng Korean radio at TV personality na si Lee. Kinumpirma na rin ng Pangulo ang kanilang madalas na pagkikita.

Ngunit lumabas kahapon sa rappler.com ang tila break-up ng dalawa. Ayon pa sa ulat, ay tatlo diumano ang sources na malapit sa Pangulo na kinumpirma ang break-up na nagapan ngayong buwan ng Abril.

IMU, ang buwis sa bahay, babayaran ng installment

Kolesterol