in

PAGBABAGO

Change is coming!

 

 

Dumating na ang sandali,

Ang sandaling hinihintay 

Upang tayong Pilipino 

Ay mabuhay ng tiwasay 

Ang pangakong pagbabago 

Na kaniyang binitiwan 

Ngayo’y ating haharapin 

 At lubos na aasahan

 

Pilipinas na bayan ko  

Ikaw ngayo’y nahaharap 

Sa malaking pagbabagong 

Presidente ang may hawak 

ung dati ay alipin ka 

Ng drug lords at mga corrupt 

Sa kamay ng presidente 

Madudurog silang lahat

 

Ang utos ng presidente 

Patayin kung kailangan 

Ang lahat ng masasama 

At parusa sa lipunan 

Kung ikaw ay isang corrupt 

Magbago ka kaibigan 

Delikado ang tayo mo 

Mayroon kang paglalagyan

 

May mabigat na pangako 

Ang pangulo nitong bansa 

Hindi raw niya sasantohin  

Ang adik na naglipana 

Mga anay ng lipunan 

Siya mismo ang pupuksa 

Sa kamay nya’y dudurugin 

Maglalahong parang bula

 

Pagbabagong sinasabi 

Maganda at nararapat 

Kung ang kanyang wawalisin 

Ay drug lords at mga corrupt 

Wag naman idadamay 

Ang Papa at Archbishop 

Pagkat sila’y mga taong 

Sa bansa ay sadyang tapat

 

Oh mahal na Presidente 

Sa kamay mo’y iyong hawak 

Ang gamot na magliligtas 

Sa sakit ng mahihirap 

Ang lahat ng pangako mo 

At lahat ng iyong balak 

Kaming mga Pilipino 

Umaasang magaganap

 

Ang mabuhay ng tahimik 

At malinis ang pangalan 

Kahit ika’y walang pera 

Daig mo pa ang mayaman 

Aanhin mo ang salapi 

Kung dangal ang pinuhunan 

Kaibigan linisin mo 

Ang pangalang nadumihan

 

Mabuhay ang Pilipinas!

Mabuhay ang Pilipino! 

Mabuhay ang Presidente! 

Na si Duterte Rodrigo

 Mabuhay ang kanyang bise! 

Na si Leni Robredo 

Sa kamay nyo’y magmumula 

Ang nasabing pagbabago

 

 

ni: Letty M, Manalo 

 

3 Pinoy, sangkot sa ‘bukas-kotse gang’

Carta d’Identità Elettronica, handa na sa ilang Comune sa Italya