in

Manny Pacquiao, may bagong lifestyle

Ipagpapatuloy kong sundin ang tamang daan” – Pacquiao

altRome, Mayo 15 -2012 – Kinumpirma ni Freddie Roach ang tuluyang pagbabago ng lifestyle ni Pambansang Kamao at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Magulo noon ang isipan ni Pacquiao, dahil sa pagsusugal, pagkapagod sa paglalaro ng basketball, pambababae, at paghahain ni Jinkee ng divorce papers isang araw bago ang kanyang laban kay Marquez. Dahil dito hindi naging maganda ang kanyang laban, na nagresulta sa kontrobersyal na majority decision na nagpanalo sa kanya.

Ngayon, sya at ang kanyang kabiyak ay nagkakaunawaan na muli at hindi na sya naglalaro ng basketball at ang malaking pagbabago ay ang pagiging mahilig sa pagbabasa ng bibliya, dagdag pa ni Roach.

Sa isang prayer meeting noong nakaraang Marso 27, inihayag ni Pacquiao ang kanyang pagbabago at hindi na umano siya ang dating Manny Pacquiao.

“Ipagpapatuloy kong sundin ang tamang daan”, ayon pa kay Manny.

 

 

 

 

Integrasyon? Wika, legalidad at karapatan

Italya, tutukan ang ikalawang henerasyon – OIM