in

Katangian ng bakunang Pfizer-BioNTech at Moderna

Ang Europa, sa kasalukuyan, ay may dalawang bakuna na aprubado. Ito ay ang Pfizer-BioNTech, inaprubahan noong Dec 22 at Moderna  na inaprubahan noong Jan 6. Inaasahan din ang pagbibigay awtorisasyon sa katapusan ng Enero hanggang Pebrero ng ikatlong bakuna, ang AstraZeneca. Bukod dito ay ang awtorisasyon ng ika-apat sa pagsapit ng Autumn, ang Johnson&Johnson

Ayon sa naging resulta ng pagsusuri, ang Pfizer-BioNTech ay epektibo ng 95% at ang Moderna ng 94.1%. Dahilan ng pagbibigay awtorisasyon mula sa European Medicines Agency o EMA. Ang parehong nabanggit ay kumpirmadong ibibigay sa mga over70s. 

Katangian ng bakunang Moderna Ako Ay Pilipino

Narito ang ilang katangian ng bakunang Moderna:

  • Ang Moderno ay angkop mula 18 anyos pataas;
  • Ang ikalawang dosi ng Moderno ay ibibigay makalipas ang 28 araw na pagitan mula sa unag dosis.
  • Magkakaroon ng immunity 2 linggo makalipas ang ikalawang dosis sa Moderna;
  • Ang Moderna ay nako-conserve sa temparature na -20° ng 6 na buwan, at sa normal na fridge ay 30 araw. Ang pagbabakuna ay maaaring gawin ng Medico di Base kahit sa bahay ng maysakit. 
Katangian ng bakunang Pfizer-BioNTech Ako Ay Pilipino

Narito ang ilang katangian ng bakunang Pfizer-BioNTech

  • Ang Pfizer-BioNTech ay angkop mula 16 anyos;
  • Ang ikalawang dosis ng Pfizer-BioNTech ay makalipas ang 21 araw;
  • Ang immunity ng Pfizer-BioNTech ay makalipas ang isang linggo;
  • Ang Pfizer-BioNTech ay nangangailangan ng -70° na temperature. 
  • Dahil dito ay naoobliga na gawin ang pagbabakuna malapit sa ospital.

Sa karagdagang detalye at impormasyon, konsultahin ang Ministero della Salute.

(PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Nagpaputok ng cap gun nabangga ng patrol ng pulisya

Ako Ay Pilipino

Gaano katagal maaaring manatili sa Pilipinas ang may permit to stay at carta di soggiorno?