in

Anu-anong mga commercial activities ang mananatiling bukas sa red zone?

ako-ay-pilipino

Bukas, November 6 ay magsisimula ang soft lockdown sa red zone na itinalaga ng bagong DPCM. Ito ay ang mga Rehiyon ng Lombardia, Piemonte, Calabria at Valle d’Aosta na itinuturing na mataas ang panganib sa kasalukuyang sitwasyon dahil sa coronavirus. 

Ayon sa dekreto ay sarado ang mga bars, restaurants at mga commercial activities na hindi mahalaga. Mananatiling bukas lamang ang mga negosyo ng pangunahing pangangailangan. Narito ang listahan ng mga commercial activities na mananatiling bukas sa publiko sa red zone matapos ang mahabang negosasyon ng gobyerno, oposisyon, Regioni at Comuni. 

  1. Mananatiling bukas ang mga Ipermercati, supermercati, discount di alimentari, minimarket, palengke at ibang negosyo ng mga pagkain. Bukas din ang nagbebenta ng frozen o prodotti surgelati at nagtitingi ng mga drinks;
  2. Bukas ang mga farmacie at parafarmacie, bilihan ng articoli medicinali at ortopedici at bilihan ng mga sanitation products;
  3. May pahintulot din magbukas ang mga tabacchi;
  4. Bukas ang mga negosyo ng computer, gamit sa telecommunication, electronic device, mga appliances at accessories ng mga telepono;
  5. Ang mga gasolinahan ay magpapatuloy sa kanilang serbisyo;
  6. Ang mga ferramenta at bilihan ng mga materiali da costruire;
  7. Bukas din ang nagbebenta ng mga gamit at accessories sa garden, mga halaman, fertilizer. 
  8. Bukas din pati ang bilihan ng mga lights at security system;
  9. Bilihan ng mga libro, giornali, riviste, cartoleria at buffetti;
  10. Bilihan ng mga damit, sapatos at gamit ng mga sanggol at bata;
  11. Bilihan ng mga bisikleta, sports article at mga gamit para sa tempo libero;
  12. Patuloy ang pagbubukas ng mga bilihan ng sasakyan o autoveicoli; motocicli at accessories ng mga nabanggit. Pati ang bilihan ng mga laruan ng mga bata;
  13. Bilihan ng cosmetics, perfumes at herbal medicine o erboristeria. 
  14. Bukas ang bilihan ng pet foods.
  15. May pahintulot ang mga optical shops na bilihan ng reading glasses at sun glasses at accessories sa photography;
  16. Bilihan ng mga cleaning detergents;
  17. Bukas ang mga laundries o lavanderie at tintorie (dry washing);
  18. Ang mga Agenzie funebre o funeral agencies ay mananatiling bukas;
  19. Bukas ang mga barbieri at parrucchiere o salon. (PGA)

Autocertificazione, kailangan gagamitin?

ako-ay-pilipino

Zona Gialla: Narito ang mga maaari at hindi maaaring gawin.