in

Ang 12 maswerteng prutas sa pagdiriwang ng Bagong Taon

Ang pagkakaroon ng 12 bilog na prutas ay bahagi ng hapag kainan tuwing Bagong Taon. Ito ay tradisyong naging bahagi na ng sambayang Pilipino simula pa noong una.

Ang mga ito ay kinamulatang mga bagay na maaaring magbago sa kapalaran. Pinaniniwalaan ding magdadala ng tiyak na swerte sa 12 buwan ng taon.

Ayon sa isang dalubhasang feng shui, mayroong 12 masuwerteng prutas para sa Bagong Taon. Ang pagkakaroon ng mga prutas sa Bagong Taon ay magbibigay umano ng kasaganaan at magandang kapalaran.

Batay sa tradisyong pinoy, ang hugis na bilog ay sumisimbolo sa mga barya habang ang bilang na 12 ay sumisimbolo sa mga buwan ng taon.

maswerteng prutas Bagong Taon Ako Ay Pilipino

Narito ang 12 maswerteng prutas

Iminungkahi ng feng shui ang 12 masuwerteng prutas para sa mas masaganang Bagong Taon.

  1. Apple  – sa Chinese, ang salitang apple ay “ping” na nangangahulugan ng pagkakasundo;
  2. Avocado  – ang mga kulay ng prutas, berde at kulay-ube, ay sumasagisag sa kasaganaan;
  3. Banana  – ang prutas na ito ay sumasagisag sa pagkakaisa habang ang dilaw na kulay ay kumakatawan naman sa kaligayahan;
  4. Grapes  – dahil ang prutas na ito ay madalas na kinakain ng mga royal blood, ito ay sumasagisag sa kayamanan;
  5. Lemon – ang likas na amoy nito at lasa ay kilalang nagtataboy sa mga bad vibes;
  6. Lychees – ang pulang kulay ay sumisimbolo sa kaligayahan at magandang kapalaran;
  7. Mango – ang tamis ng prutas na ito ay kumakatawan sa matatag na relasyon ng pamilya;
  8. Orange – ayon sa tradisyon ng mga Chinese, ang kulay nito simbolo ng ginto habang ang hugis na bilog nito ay pera;
  9. Papaya – tulad ng orange, ito rin ay kumakatawan sa ginto sa tradisyon ng mga Chinese;
  10. Pineapple – Ang salitang Chinese para sa pinya ay “ong-lai” na nangangahulugan ng  kapalaran;
  11. Pomelo – ang kulay pula o rosas nito ay nagsisimbolo sa magandang kalusugan;
  12. Pakwan – ang prutas at mga buto nito ay sumasagisag sa kasaganaan;

Gayunpaman, pinaniniwalaan man o hindi ang tradisyong kinamulatan, ang pagkain ng maraming prutas ay nakakatulong sa kalusugan. 

Ang taong 2020 ay halos minamadali nang matapos ng buong mundo dahil sa sunud-sunod na unos na idinulot nito. Samantala, ang taong 2021 naman ay pinakasasabikan ng may pag-asa ng bagong kapalaran.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Autocertificazione zona gialla Ako Ay Pilipino

Zona arancione, kailan kakailanganin ang Autocertificazione?

isinagawang kontrol zona rossa Ako Ay Pilipino

Isinagawang kontrol sa mga araw ng zona rossa, halos 330,000