in

Summer Sale simula bukas

Rome, Hulyo 6, 2012 – Matapos simulan ng Basilicata at Molise noong nakaraang July 2, ilang oras na lamang ng paghihintay at ang lahat ng mga mamamayan sa buong peninsula ay maaaring mag-shopping sa mas mababang presyo.

Bukas, Sabado, Hulyo 7, 2012, ay simula ng tinatawag na Summer Sale.

Sa pagsasaalang-alang dito, ang Confcommercio ay naglathala online ng ilang mga paalala ukol sa pinakahihintay na appointment ng marami.

Ito ay tila mga simpleng alituntunin, na inilathala ng Confcommercio upang matulungan ang mga mamamayan upang maiwasan ang hindi kasiya-siyang sorpresa bago, habang at pagkatapos ng shopping.

Limang pangunahing mga prinsipyo, para sa isang tamang pagbili ng mga produkto at mga item na nasa sale. Ang 5 mga tip online na matatagpuan sa website ng Confcommercio, ay ang mga sumusunod:
 

1.      Ang pagpalit sa produkto: Ang posibilidad na palitan ang produkto matapos itong bilhin ay nakasalalay sa shopkeeper, maliban na lamang kung ang produkto ay sira o hindi angkop sa pangangailangan ng buyer  (Artikulo 1519 ter. cod. civile introdotto da D.L.vo n. 24/2002). Sa kasong ito ay isang obligasyon ng shop ang i-repair o palitan ang produkto at kung hindi ito magiging possible, ang pagbabawas sa presyo o refund ng ibinayad. Ang buyer ay mayroong obligasyon na ipagbigay-alam ang damage sa loob ng dalawang buwan mula sa petsa ng pagkakatuklas ng depekto.

2.      Pagsusukat ng produkto: Hindi obligado. Ito ay dipende pa rin sa shop.

3.      Pagbabayad: Ang pagbabayad ng credit card ay dapat may pahintulot ang shop o mayroong sticker na nagpapatunay ng pagiging kabilang sa convention.
 

4.      Mga produktong nasa sale: Ang mga item na ibinebenta ay dapat na napapanahon o angkop sa kasalukuyang fashion. Gayunpaman, walang paglabag sa pagbebenta ng mga item na hindi angkop sa kasalukuyang panahon.
 

5.      Indikasyon ng presyo: Isang obligasyong ipahiwatig ng shop ang normal na presyo, ang discount at presyong may diskuwento.

Bagong electronic permit to stay, garantisado ang privacy

Dekreto ng mga parusa, aprubado. Magkakaroon ba ng regularization?