in

Ikea catalogo, ang nangungunang magazine sa mundo

Ang nagungunang Ikea ng Sweden ay muling nagbibigay ng kakaiba at malaking sorpresa: ang Ikea yearly catalog na mayroong 400 million readers sa buong mundo. Ito ang pinakamalawak na publication sa planeta.

Hindi lamang nagiging outsourcing ang produksyon sa Italya kundi pati ang malalaking kumpanya ay namumuhunan maging sa Asya.

“Sa higit na alt60 taon – ayon kay Valerio Di Bussolo, Head ng Ikea External Relations – ang pangunahing layunin ng aming catalog ay ang magbigay inspirasyon sa aming mga customer. Ito ang isa sa mga pangunahing media partner ng lahat ng Ikea shops. Sa taong 2012, ay nag-publish ng higit sa 16 milyong kopya ng catalog. “

Ito ay ipinamamahagi ng door to door. Maaari rin itong i-download at i-browse sa website, maaaring umorder nito ng libre at maaari ring bilhin sa pamamagitn ng mga newspaper stands sa halagang 2.50 euros at refundable naman sa mga shops nito.

Mababasa sa iPhone, iPad  para sa Italya, ay mayroong isang seksyon ‘social’ para sa mga komento ng mga kliente, maaaring ibahagi, at i-recommend ang produkto (www.socialcatalogue.ikea.it).

Ang 2012 catalog ay mayroong higit sa 208 milyong mga kopya: sa 30 wika, 59 edisyon, at binabasa ng higit sa 400 milyong tao. Noong Agosto 31, 2011, ang Ikea Group ay mayroong 287 shops sa 26 bansa sa Europa (kung saan nagmula ang 79% ng benta), North America, Russia, Asya, Australya. Ang mga produkto ay pare-pareho sa lahat ng dako ng mundo. Higit sa 90 mga pahina para sa 80 mga bagong produkto.

Ang projection at editing, ay ginawa ng Ikea AB Communications (ICOM) sa Älmhult sa Sweden. Mayroong 260 katao na nagtatrabaho sa catalog,  mga instructions pati na rin sa website.

Sa nag-iisang Photographic studio na 8000 sq mtrs ang laki. At may naka-set na 250 locations, documented ng 13 photographers sa halos 4,000 shots. Ang catalog ay translated sa iba’t ibang wika.  Ang bawat bansa ay maaaring i-personalize ang ilang pahina.

Sa Italya ay humigit-kumulang 30 katao ang nasa likod ng communication at promotion ng Ikea. At sa lahat ng 19 na shops ay mayroong isang local marketing officer.

 

 

 

Worldwide protest laban sa China gaganapin sa maraming bansa sa Mayo 11

Direct Hire: Isang ahensya na mamamahala sa pagpasok ng mga imigrante tuwing ikatlong taon