in

Unang-unang Summer Beach Model Italy 2011, ginanap sa Viareggio

altSa pangunguna ng PIFAT (o Philippine-Italo Friendship Association of Tuscany) ay ginanap sa Viareggio ang unang patimpalak kagandahan ng mainit na summer vacation, ang “Miss Summer Beach Model Italy 2011”. Ginanap ang naturang paligsahan sa malawak at magandang Villa Borbone sa Viale dei Tigli noong Hulyo 24, 2011 na buong puso namang sinuportahan nina Mayor Luca Lunardini at Vice Mayor Ciro Castagliola ng naturang lugar.

Labing-isang nag-gagandahan dilag mula sa iba’t ibang panig ng Italya ang lumahok sa patimpalak. Kabilang sina Catherine Guino ng Prato,  Xandrine Cates De Guzman ng Roma, Caroline Hernandez ng Milano,  Kimberly Santiago ng Viareggio,  Kimberly Cariaga ng Roma,  Rachel Eje ng Como,  Shearminross Delgado ng Lucca,  Sheryl Gasic ng Prato,  Jennifer Battistin ng Bassano Del Grappa,  Jasmin Reyes ng Biella at Jazmin Aquino ng Firenze. Ang itinanghal na “Miss Summer Beach Model Italy 2011” ay ang 20 taong gulang na si JASMIN AQUINO REYES.  Bukod dito, ay tinanghal din siyang Miss Head Turner, Miss DMCI, Miss Alleanza Toro at 2011 People Chioce Award. .  “If you believe, You will receive”, ito ang mga pangungusap ni Jasmin na naniniwalang magiging isang successful career woman sa hinaharap.

altNaging parte ng pagdiriwang at nagpakilig sa mga kabataan ang dalawang dance group, ang “Battle Crew” at ang “Move Mechanics” gayun din si Camille Ann Cabaltera sa kanyang pag-awit.

Isang buong pusong pasasalamat ang ipina-aabot ng organizer sa mga naging hurado, sponsor at panauhing pandangal ng nasabing ebento. Ang tagumpay nito ay naging instrumento rin ng pagtulong sa mga kabataan sa Pilipinas upang magkaroon ng libreng pag-aaral sa pamamagitan ng DEUSFRATES, isang aktibong asosasyon sa Roma na binubuo ng mga dating seminarista.

“Sa mga opisyal at miyembro ng PIFAT, isang job well done, ang pagbibigay kasiyahan at pagtulong sa kapwa na maipagmamalaki kanino man” pagtatapos ni Nilo Jimenez, presidente ng PIFAT. (ni: Argie Gabay)

 

Pensyon, tinanggal sa mga kabiyak na caregivers

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA GOITER