in

The Best Model of Europe, nagsagawa ng casting sa Reggio Emilia

Isa sa mga nababanggit na pangarap ng mga kabataan, maging ng mga nasa hinog na edad na ay ang maging modelo,  ang rumampa at maging representante ng bansang Pilipinas sa isang prestihiyosong timpalak-kagandahan at pagmomodelo.

Dito sa Italya, isang timpalak ang inaantay at pinaghahandaan upang maging bahagi nito, isang daan nila sa pagtupad sa kanilang mga pangarap.

Matatandaan na may mga kababayan na rin tayong nagpartesipa, nag-uwi din ng titulo at ngayon ay naging bahagi na ng daigdig ng pagrampa.

Nitong ika-16 ng Hunyo, 2019, ay naidaos ang casting ng mga sasali sa The Best Model of Europe na gaganapin sa Lloret del Mar sa Espanya, mula ika- 1 hanggang ika-7 ng buwan ng Setyembre, 2019.  Ang okasyon ng casting ay pinamahalaan nila Daisy del Valle, diane Sawali at Myrna Gahisan, na pawang mga Regional Coordinators. Ang kanilang patron ay si Rosario Stagno.

Ang okasyon ay masiglang dinaluhan ng mahigit sa isandaang katao na pawang taga-suporta ng mga partisipante at ng timpalak na naka-base sa Espanya. Sa galing at tindig ng mga modelong Pilipino, makaaasa tayong makapag-uuwing muli ng tropeo at titulo ang ating mga kababayan.

 

Dittz Centeno-De Jesus

Mga Kuha ni: Jeff Belo

Permessi retribuiti, mayroon ba sa domestic job? Ano ang nasasaad sa CCNL?

Invitational Bowling ng RBGPII Golden Heart Firenze, matagumpay sa San Romano Pisa