in

Sinaktan ang asawa sa harap ng 4 na taong gulang na anak, Pinoy arestado

Ang lalaki ay muling sinaktan ng ilang beses ang asawa. Pangyayaring naganap na rin noong nakaraang Pebrero, dahilan upang i-report sa awtoridad ang mga pangyayari.

Milan – Marso 28, 2013 – Inaresto ang isang Pinoy, 25 anyos, noong nakaraang linggo bandang alas 9 ng gabi sa Via Padova dahil sa pananakit sa asawa, isa ring Pilipino, 24 anyos, na lakas-loob na nag-report noong nakaraang Pebrero sa awtoridad matapos sakalin at sakta ng lalaki.

Si J.M. sa pagkakataong ito, ay sinuntok ang asawa sa mukha ngunit tumanggi ang babae upang magpagamot. Ang mag-asawa ay mayroong isang anak na 4 na taong gulang, na nasaksahan ang mga pangyayari.

Dahil sa malakas na ingay buhat sa apartment ng pamilya, ay tumawag sa awtoridad ang kapatid ng babae.

Hari ng 9-Balls, mula sa Firenze

Ano ang Mahal na Araw para sa mga Pilipino?