in

Secretary Bello, nakipagkita sa DDS Italia

Apostolic Blessings certificate ibinigay ng grupo kay Pangulong Duterte sa pamamagitan ni Secretary Bello. 

 

Enero, 25, 2017 – Bukod sa usaping pang-kapayapaan bilang Chief Peace Negotiator sa ikatlong round ng Peace Talk at pakikipag-kita sa Filipino Community sa Italya, ay personal ring binisita ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, kasama si Mayor Ed Pamintuan ang grupo ng DDS Italia, OFWGME Italy Chapter, partner of Kilusang Pagbabago.

Layunin ng mga pinagpipitagang panauhin ang personal na ihatid ang pasasalamat mula sa Pangulo sa naging aktibong pagtulong nito noong kasagsagan ng kampanya ni Pangulong Duterte.

Samantala, ibinigay naman ng buong grupo sa pangunguna ni Aurtenciano ‘Kali’ Miranda Jr. ang Apostolic Blessing certificate mula sa Vaticano para sa tagumpay ng mga layunin at hangarin n gating Pangulong Duterte.

Narito ang video. 

 

 

PEACE FORUM sa Milan, Idinaos ng PCG-MILAN, Katuwang ang OFW WATCH-Italy

Halaga ng sahod sa pag-aaplay ng carta di soggiorno sa taong 2017