in

Salpukan ng scooter at kotse sa Vicenza, isang Pinoy patay

Isang malagim na aksidente ang nangyari sa Viale della Pace sa Vicenza,  Huwebes ng gabi,  ika-18 ng buwan ng Enero 2019.

Ayon sa mga testigo, isang violent impact ang kanilang nasaksihan sa pagitan ng isang kotse at isang scooter sakay ang dalawang pilipino. Ang motorsiklo matapos na makabangga ang kotse ay tuloy tuloy na sumalpok sa isang poste na nagdulot ng malaking pinsala sa dalawang riders.

Dead on the spot si James Ryan Mendoza, ang 32 anyos na Pilipino na may hawak ng manibela ng motor. Ang kasamang sakay ng motorista ay nagtamo rin ng malubhang pinsala sa katawan at duguang nakahandusay sa aspaltadong kalsada nang dumating ang emergency rescue team.

Sa  kasalukuyan ay malubha ang kalagayan nito at nasa “reparto di rianimazione” o ICU ng San Bartolo Hospital kung saan siya isinugod  ng ambulansya ng  SUEM 118 na mabilis na tumugon sa emergency call. Rumisponde din ang isang  team ng vigili del fuoco at isang volante ng local police.

Samantala, ang babaeng  drayber ng kotse na under state of shock ay dinala din sa pronto soccorso at agad na binigyan ng paunang lunas.

Isa-isang hinihingan ng mga impormasyon ang mga nasa lugar ng pinangyarihan habang patuloy  ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa nasabing aksidente. Payo ng mga awtoridad: linangin ang ligtas na mga pag-uugali sa pagmamaneho at  dobleng ingat  lalong lalo na sa panahong ito dahil ang mga kalsada ay kalimitang madulas.

Quintin Kentz Cavite Jr.

Dindo Malanyaon, pinarangalan ni Duterte

Asembleya ng mga lider ng Filipino Community sa Northern Italy, pambungad na aktibidad ng PCG Milan