in

Pinoy, sinaksak ang kasama sa bahay

Milan, Oktubre 30, 2012 – Si R.S., isang Pilipino at 32 anyos, matapos ang isang mainit na diskusyon sa isang kasama sa bahay ay bumili ng itak sa Viale Lunigiana. Mabilis na umuwi at sinaksak ang kasama sa bahay.

Ayon sa mga report, ito ay naganap noong Biyernes ng gabi, Oktubre 26 sa Via Ponte Seveso 42, Milan. Ang biktima,si F.R., isang Pilipino at 46 anyos ay sugatan sa ulo. Samantala, ang mga kapitbahay, pawang mga Pinoy rin, ay pinigilan ang mas malubhang mga pangyayari. Sa kasamaang palad, maging ang mga ito ay bahagyang nasugatan rin.

Ang mga biktima ay mabilis na isinugod sa ospital ng Fatebenefratelli, at pawang malayo naman sa peligro.Samantala inaresto naman ang salarin.

Pinansyal diumano ang pinagmulan ng away.

 

Isinilang ang isang sanggol? Hanggang 5000 € loan na mayroong easy term

756,000 – Kabuuang bilang ng mga mag-aaral na imigrante ang magulang