in

Pinoy, sangkot sa aksidente

Sangkot ang Pinoy sa naging bangaan sa pagitan ng kotse at iskuter, bandang alas 6 ng kaninang umaga sa San Donato sa Poggio, sa kahabaan ng kalsada ng Chiantigiana, Comune ng Barberino Tavarnelle (Firenze). 

Bagaman nagtamo ng bahagyang sugat ay ligtas naman ang Pinoy na sakay ng kanyang minamanehong sasakyan. Binawian naman ng buhay ang 52 anyos na Senegalese na nagmamaneho ng iskuter.

Ayon sa awtoridad, ang Pinoy ay sumailalim sa isang alcohol test.

Gayunpaman, ang dinamika ng aksidente ay sinusuri pa at ang resulta ng ilang pagsusuri ay hawak ng awtoridad. 

 

Pagdiriwang ng kauna-unahang GUARDIANS’ DAY sa Roma, matagumpay

ZUMBATHON Charity Event ng Hyper Megara Fitness Club, tagumpay!