in

Pinoy pinaghinalaang magpapakamatay, akyat-bahay pala

Isang akyat bahay at walang intensyong mapakamatay ang Pinoy, 20 anyos na kinilala ng awtoridad.

 

Padova, Abril 13, 2016 – Isang Pinoy ang pinaghinalaang magpapakamatay noong Lunes, bandang alas 11 ng umaga matapos makatanggap ang 112 ng isang report sa diumanoy presensya ng isang tao sa pasimano ng terrace ng Via De Lellissa sa Padova.

Mabilis na rumisponde ang carabinieri at pagdating sa lugar, matapos ang isang malakas na kalabog, isang taong nakahandusay sa kalsada ang kanilang natagpuan. 

Kinillala si J.D.A., isang Pilipino, 20 anyos at residente rin s akalsadang nabanggit. 

Ayonsa report, sa pagsaklolo sa Pilipino, bukod sa lubid ay may sakong nakita ang awtoridad. 

Sa sakong dala ngbinata ay natagpuan ang mga alahas, silver ware partikular mga statwa at ibang oriental collections na pag-aari ngi sang Italyana, 82 anyos. 

Akyat-bahay pala at walang anumang intensyong magpakamatay ang Pinoy bagkus ay nagtangkang tumakas mula sa terrace at nalaglag mula sa ikatlong palapag, tumama sa balkonahe sa unang palapag bago tuluyang bumagsak sa ground floor kung saan naroroon naman ang rumispundeng pulisya.  

Bukod dito, sa ni-raid na tahanan ng binata ay natagpuan ang ibang mga pag-aari ng matanda na sa ikalawang pagkakataon ay inakyat at ninakawan ng Pinoy ilang araw lamang ang pagitan. 

Noong nakaraang Sabado, ayon sa pulisya,ng unang inakyat ng Pinoy ang bahay ng matanda. Linggo ng magre-report sana ito sa pulisya ngunit sarado umano ang tanggapan ng pulisya. Samantala, Lunes ng umaga, ang Pinoy na mismo ang kusang loob na sumuko sa pagbagsak nito mismo sa mga awtoridad.

Ang Pilipino ay dinala muna sa ospital upang gamutin sa mga galos at sugat na naging sanhi ng kanyan gpagbagsak. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pre-registration sa mga Unibersidad sa Italya sa taong 2016-2017, simula na!

Scholarship para sa mga dayuhang mag-aaral, mga huling araw ng aplikasyon