in

Pinoy, nalunod sakay ng kanyang sasakyan

Isang Pilipino ang nahulog sa isang hukay sakay ng kanyang sasakyan, dahilan ng pagkakalunod at tuluyang pagkamatay nito.

Pieve Emanuele, Mayo 12, 2014 – Namatay sakay ng kanyang sasakyan si Edgardo Persigan, isang 48 anyos na Pilipino matapos malaglag ang sinasakyan nito sa isang hukay.

Ayon sa mga report, bandang alas 9:30 ng umaga, sa kahabaan ng Tolcinasco, na nagdudugtong sa Rozzano at  Pieve Emanuele, bahaging South Milan, isang driver ang nakapansin sa isang nakabaligtad na sasakyan sa isang hukay sa gilid ng kalsada. Dito ay natagpuan ang isang Pilipino na sakay ng kanyang sasakyan.

Mabilis na dumating ang saklolo ngunit sa kasamaang palad, hindi lamang walang malay ito bagkus ay wala ng buhay.

Batay sa gagawang pagsusuri sa katawan ng biktima ay makilala ang dahilan ng pagkamatay nito. Maaaring ang aksidente ay naganap ng hatinggabi o madaling araw. Maaaring nawalan ng control ang driver, dahilan ng pagbaligtad ng sasakyan sa isang hukay sa gilid ng kalsada. Maaaring antok o pagsama ng pakiramdam nito ang dahilan ng hindi pagkakalabas ng biktima sa sinasakyang awto at ng pagkakalunod nito.

Gaano kalaki ang ‘angkop na tirahan’ para sa ricongiungimento familiare?

“Reporma sa pagkamamamayan bago matapos ang taon” – Renzi