in

Pinoy, nakapatay!

Away sa pagitan ng 3 Peruvians at 1 Pinoy, nauwi sa saksakan.

Milan, Disyembre 10, 2014 –  Ang biktima, isang Peruvian, 21 anyos, ang nasaksak nitong Linggo ng gabi at binawian ng buhay matapos madala ng ospital. Ang salarin, isang Pilipino.

Sugatan naman ang kasama nitong dalawang Peruvians, ayon sa mga report.

Kasalukuyan pa ring iniimbistigahan kung ano at paano nagsimula ang krimen. Samantala, ayon sa unang report, ang mga Peruvians ay lasing na lasing habang patuloy sa inuman sa Via Renato Simoni. Inaya umano ng mga ito ang Pinoy na lasing din. Ang pagtanggi umano ng Pinoy ang naging sanhi ng away na nauwi sa saksakan.

Ginang Pilipinas-Italia 2014

Imigrasyon, patuloy ang pagbaba ngunit sanhi pa rin ng paglaki ng populasyon