in

Pinoy inaresto, nagnakaw ng bisikleta

Roma, Nob. 16, 2012 – Inaresto ang isang Pinoy sa Valdelsa (Empoli) matapos nitong nakawin ang isang bisikleta sa garahe ng Via Borgo Garibaldi sa Certaldo, ilang araw na ang nakakalipas.

Ang anak ng may-ari ng bisikleta, sa mga oras na iyon, sa di-kalayuan ay nakilala ang bisikleta at sinubukang habulin ang Pinoy, 27 anyos. Pansamantalang nakatakas ang Pinoy. Ngunit ilang sandali, matapos i-report ang mga pangyayari sa awtoridad ay natuntuon ang mangnanakaw malapit sa istasyon ng Castefiorentino habang pasakay sa treno bitbit ang bisikleta.

Matapos arestuhin, ay nahulihan ng cocaine ang Pinoy sa bulsa nito, mga partikular na screwdrivers gamit sa mga bisikleta, Coop membership card at tessera sanitaria na pag-aari ng ibang tao (pinaghihinalaang nakaw din).  

Ang bisikleta, ayon pa sa mga report, ay nagkakahalaga ng 1,000 euros.

Provisory result ng halalan sa Cagliari

2 Pinoy, huli dahil sa shaboo